Kwento Ng Isang Pokpok
This is an email forwarded to me the other day. I’m not really good at translating tagalog so if anyone is any good at translating, plese forward to me the translation. I think the translation of this title is “A prostitute’s story” or “A story of one Prostitute”
It was pretty controversial when I forwarded it to my other Filipino friends, and they thought it wasn’t very accurate, but just another portrayal of The Philippines in a negative and very sarcastic manner.
You decide.
Kwento Ng Isang PokpokTingin ng mga bobong kapitbahay ko, puta daw ako. Nagpapagamit. Binabayaran. Sabi nila, ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Ang bango-bango ko daw. Sariwa at makinis. Di ko nga alam kung sumpa ito, kasi, dahil dito kaya naletse ang buhay ko at ang aking kinabukasan.
Pare ko, halika, makinig ka naman sa kuwento ko, kahit na kuwento lang ng isang puta. Yosi muna tao pare.
Alam mo pare ko, daming naakit sa akin, lumalapit, nagkakagusto.
Ang hirap, pag bago, lahat sa iyo eh “virgin”. Tinatanggap ko naman silang tao, pero, wala. Ginagago pa rin ako at binabastos. Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kasi, hindi sila taga-rito. Siguro talagang ganoon. Alam mo, minsan, may tatlong “foreigners” na sobrang libog ang nameyesta sa katawan ko. Ni-rape daw ako sabi ng iba kong kapitbahay.
Kung totoo mang nagahasa ako, yung pinakahuli ang hindi ko malilimutan. Parang kahit hindi ko ginusto ang nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Tinulungan kasi niya akong makalimutan yung mga ibang nanggahasa sa akin eh. Peste yung una at sadista yung ikalawa. Isa pa, ibang-iba ang hagod niya eh. Imiikot ang aking munda sa tuwing ginagamit niya ako. Ibang klase siyang mag-sorry. At hindi lang yun, kinupkop niya hindi lang ako, pati na mga naging anak ko.
Parating ang dami naming regalo. May chocolates, may yosi at may datung pa ha. Nakakabaliw siya. Alam kong ginagamit lang niya ako pero pagamit naman ako ng pagamit. Sa kanya namin natutunang magsalit ng wikang Ingles, di lang magsulat kungdi magbasa na rin. Kahit ngayun, pag mabigat ang problema ko, sa kanya pa rin ako tumatakbo. Yun ngalang, lahat ng bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa ang buhay namin. Sosyal na sosyal kami.
Ewan ko nga ba. Akala ko nga, napamahal na ako sa kanya. Akala ko, tuloy-tuloy na ang aming kaligahayan. Yun pala, unti-unti niya akong pinapatay. Putang-ina oo! Sa dami ba naman ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong nalaspag! Ang daming nagsasabi na ang tanga-tanga ko daw. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga anak ko, napalayas ko din ang animal na yun. Pero ang hirap magsimula ulit. Masyado na kasi akong nasanay sa sarap na kanyang ibinigay sa akin at sa mga anak ko. Ngayun, lubog na lubog na ako sa utang. Kulang na ata pati na ang kaluluwa ko at kaluluwa ng mga anak ko para makabayad sa aming mga utang. Gayunpaman, sinikap naming lahat na maging maganda ang buhay namin.
Kaya ayun. Tignan mo mga anak ko. Mayroong nasa Japan, sa Hong-Kong, Sa Saudi at sa kung saan pang panig ng mundo. Yung iba nasa America at yung iba nasa Europe. Yung iba naman, ayaw umalis sa akin. Kaya lang itong mga natirang anak ko sa akin, halos lahat naman walang silbi! Palamunin ang mga putang-inang mga ito. Masaya daw sila sa piling ko kahit na ako ay amoy usok.
Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya ding dami ng mga anak ko na namamantala sa kabuhayan at kayamanan na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Dumating ang panahon na halos di kami makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap, nasasanay na kami unti-unti sa kahirapan namin ngayun ng mga anak ko. Napakahirap kasi nasanay na kami sa sarap at ginhawa.
Pero ang pinakamasakit sa lahat ng paghihirap ko, ay ang mismong mga anak ko. Sila pala ang tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin na ako ay nalinlang ng sarili kong mga anak. Akala ko nakakita na ako ng mga makakasama ko sa aking buhay sa aking pagtanda. Putang-ina oo. Hindi pala. Mga anak ko pala mismo ang mga ahas na mamimiyesta sa sarili kong katawan! Ang tanga-tanga ko talaga oo! Ang sakit isipin na itong mga anak ko mismo ang bumugaw sa akin! Kapalit ng kuwarta at kung anu-ano pang mga pansamantalang kaligahayan nila.
Pero alam mo pare, mahal na mahal ko aking mga anak. Wala na akong nagawa sa sobrang pagmamahal ko sa kanila. Wala naman akong ibang yaman kungdi ang aking kagandahan. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang aking sarili para lang maging maginhawa ang kabuhayan ng mga anak ko.
Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May mga nanghihinayang, may mga namumuhi at may naawa. Puta na talaga kasi ang isang tulad ko.
Alam mo pare, gusto ko nang tumigil sa pagpuputa, kaso mo, ang laki-laki na talaga ng putang-inang utang ko eh. At palaki pa ng palaki. Kulang na kulang ang aking pera sa pang araw-araw na gastos ko. Iniisip ko kasi, paano na ang aking mga anak na naiwan sa aking poder? Isa pa, baka hindi na ako bisitahin man lang ng mga anak kong nagsipag abroad. Baka hindi na rin nila ako balikan. Hindi na importante sa akin kung laspagin man nila ang ganda ko, madama ko man lang sana ang kanilang pagmamahal sa akin. Sana naman malaman nila na gagawin ko ang lahat para sa kanila.
Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko, maganda pa rin ako. Meron pa ring mga bilib sa akin. Napag-uusapan pa din. Sa tuwing makikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko din ang mga anak ko. Tutulo na lang ang luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling ng mga anak ko. Namamayagpag kahit saan man makarating. Mahusay sila sa kahit na anong gawain. Tama man o mali napakalaki ng pride ko sa kanilang lahat. Mahal man nila ako o hindi. Kaya lang, ang sakit talaga isipin, kasi nga pare ko, hindi ganoon ang pag tingin nila sa akin. Kabaligtaran ang nararamdaman nila sa akin.
Sa dami ng mga anak ko, iilan lang talaga nagmamalasakit sa akin. At yung iba pa, may maalsakit nga pero hilaw naman. Ni hindi nga nila ako kinikilalang ina! Ang sakit-sakit talaga. Tapos, halos lahat sila nag aaway-away. Halos lahat sila, galit sa isa’t-isa. Wala sa kanila ang gustong magtulungan. Mas gusto nilang mag away-away, lahat gustong mamuno. Ayaw magbigayan. Ang dami ko nang pasakit na tinitiis ng dahil sa mga anak ko. Pero wala nang pinakamasakit pa kungdi yung ibugaw ako ng sarili kong mga anak! Ginawa nilang kapital ang laspag ko nang gandahan. Minsan nga, sa pagtingin ko sa salamin, di ko na nakikilala sarili ko pare.
Parating na naman ang pasko. Sana, maalala ako ng mga anak ko. Malapit na din ang bagong taon. Natatakot na naman ako nito eh. Baka kasi kung anu na naman kagaguhan ang gagawin ng mga anak ko. Sana, kahit isa, may magtanggol sa akin. Sana, may magmalasakit. Sana may isa sa kanila na pagkaisihin ang kanyang mga ibang kapatid. Sana ay . . . naku, putang-ina oo, puro na lang sana. Gusto ko tuloy isigaw: MGA PUTANG INA NINYO!! . . . AKO ANG NANAY NINYO!! MAHALIN NINYO NAMAN AKO MGA PUTANG-INA NINYO!!!
Hay naku pare. Pasensiya na. Ayan. Napa-drama na naman ako. Sige na. Masisira na naman make-up ko nito eh. Salamat pare at nakinig ka kahit paano.
Ay, sori nga pala, nakalimutan ko sabihin sa iyo ang aking pangalan.
Ako nga pala si Pilipinas.
[I received this in my inbox] My question to you is: Do you agree with the metaphoric nature of this composition? Comparing Philippines with a prostitute? Is this a pessimistic view of The Philippines? Is there truth in these words?


hi, gud day to you, this is my first time to read ur article, here and i would like to give my pov (point of view) regrading to this issue, this composition, i would say, “tumpak” talaga compare to a “mother”, ina, mama, nanay, wat ever it is, if we try to take a look at the lyrics of songs that is dedicted to our motherland, our national anthem…”Perlas ng Silanganan” stands for women, “duyan ka ng magiting….” wHo is MAry and wats she stands for durin the memorable EDSA revolution, f u try to look at our map, based on our phil geography map, it look like a mother, wiht big tummy,so many to mention…And i would say that there is truth behind those words, the author of the said composition is very creative enough to put evnts in words na mas maintindihan ng marami…
i do personally, appreciate this piece of art we have here, i hope it wil not stay here, mas maganda cguro kung lalabas ito sa media, doon maraming tayong mararating,,,
thanks and more power…
nice story. good for a monologue for college theater arts!
metaphoric? yep, i would agree with that. negative and sarcastic portrayal of the Philippines? am not so sure you? the philippines being a prostitute? i don’t think she ever had a choice on that one. history showed us that. we were never united as a people before. rizal, bonifacio, and all the other heroes and leaders tried but our regionalistic tendencies always get the better of us. up to now.
what is most true in the story is that it was/is her children who prostituted her. the leaders of her children more specifically. give us true leaders, and things will definitely change. our people have the skills, talent, and creativity to make things happen.
unfortunately, come election time… vos populi… becomes the tyranny of the majority.
oh well… hope springs eternal.
wow… kakagulat, pero 22o sana mabasa pa ito ng marami at maunawaan kung ano na ang totoong nangyayari sa ating bansa ngaun… kakabilib talaga ang gumawa ng article na yan,’Very very Nice’ hehe… hmmmm,,, un lng
Gusto nyo ba malaman ng nakakarami to?
Gawin nyo din ang gagawin ko… IKAKALAT KO!
Hindi naman importante kung tama o mali ang naka sulat.. Ang Importante ay magising na ang mga kababayan natin, AT MAG MUNIMUNI.
Aksyon na tayo!
Kaya HOY! MGA TULONGGIS DYAN! GISING!
I cant even say a word… tang-ina!!
Its a perfect description on what is happening on our country..
Ayos lang yan brader, puta, mother paker, bitch, pinakamababang uri ng babae, kakantutin o kahit anu pa man itawag syo wla nmang itutulong mga kapitbahay mo o ang ibang tao syo eh paksyet cla sbhin mo, mahalaga nakakain kyo, nkakasurvive kyo chaca sbi mo sa isang part e nag eenjoy k rin nman. eto according sa 700 MAXIMS kung feeling mo kawawa ka at mababa ka mas marami pang nkakaawa at mababa kesa sayo. ang pinaka nkakaawang bagay na ibibigay mo sa taong nakakaawa ay awa. ayos lng yan brader, maganda prin nging buhay mo. rock and roll \m/
remember “YOU ALWAYS HAVE A CHOICE” Whatever ur choice is don’t blame anybody or yourself if u find it difficult for u. Oo nga pla may pera ako d2 bka pwede taung magkita…..HEHEHE Joke lang brader
akala koh bastos pero hidi pala!!! para sa atin pala ith kwentoh !!
This article is indeed great. It may show the rudeness of Filipinos but it is really true. This is a reflection of who we are right now and what we are doing to our motherland. It is true that because of the 3 invaders, we forgot where we came from and the “IDENTITY” we used to have. But still, we can’t blame them for all the things happening in this country for we have choice to forget and not to forget. Hope that all Filipinos will realize that Philippines was blessed with so much treasure. In fact, with the resources around us, we could feed the whole world, it just takes proper knowledge on handling them. We don’t have to depend on other countries because when it comes to resources, we do have lots of them. Philippines is such a great land with great hopes and dreams. What we need is an EYE and a SOUL.
I love my country, Philippines and I’m proud to say that I’m not one of those Filipinos who tries to disguise their true identity by using whitening lotions and pills. May this article be an inspiration to all Filipinos to strive hard and not to depend on other countries.
Hi. Nice one. Gusto ko sana mabasa ng mga friends ko itong article n to.. nilagay ko na din sa links ko sa multiply.. pwede bang ilagay ko to sa blog ko? I’ll put credits, dont worry..
Punyeta. . .mga plastik! Ang gaganda ng komento ninyo tapos ingles p ang gamit nyo. . .ngayon,sagutin nyo aq,yan b ang pinamamayagpag nyo n pagiging nasyonalista!?porke b nkapag aral lng kayo e nakakalimutan nyo n ang linggwahe nyo. . .pagicipan ninyong mabuti ito.
it’s really nice article,sana mabasa ng mga namumuno d2 sa pilipinas!!at magising na sla,akala ko sa babaeng pokpok talaga,tungkol pala sa pilipinas,pero ayos toh sana magising na ang buong bansa!!!MORE POWER SA NG SULAT NITO!!
well…as far as the monologue goes..!! it realy states there that we are a hardworking people..!! eventhough we are doing an immoral things, we accept it coz we know that we already sacrifice AND we alreay swallow our PRIDE..!! we just ignore all the wordz that they might spoken against in your life..!!
but the monologue realy states on how the people now in this country realy is.. specifically for the adolescenes..!! as what we read in the monologue, the childrens were the one who fought a costumer to their mother inable for thier satisfaction..!! they dont even know what is the feeling of their mother after they done that..!! they are acting so “PRETENTIOUS”…!! gosh..!!